Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

GAWAIN 1

Pagbabasa:
Ayon sa mga mito, si Romulus at Remus ay kambal na nagpatayo ng Roma. Sila ay anak ng Prinsesang si Rhea Silvia at ang kanilang ama ay ang matapang at mapangahas na Diyos ng Digmaan na si Mars.
Dahil sa kanilang dugong-Diyos, natakot ang hari na baka isang araw ay ibabagsak ng dalawa ito at kukunin ang kanyang trono. Kaya naman, pinalagay niya ang mga bata sa isang basket at pinaiwan ito sa ilog Tiber.
Akala ng hari ay madali na lamang at mamamatay na ang kambal. Pero, may isang she-wolf na nakakita sa kanila at nag-alaga sa kambal. Tinulungan ng mga gubat sa hayop ang kambal hanggang sa makita ito ng ilang mga pastol.
Isa sa mga ito ay kumuha sa kambal at inalagaan na parang sariling mga anak ang dalawa. Sa paglaki ng mga bata, nakita agad na sila ay isinilang na natural na mga lider.
Isang araw, si Remus ay nadakip at dinala sa hari. Nalaman nito agad kung sino ito at ikinulong. Nang malaman ni Romolus ang nangyari, humingi ito ng tulong mula sa ibang mga pastol para makuha ang kanyang kapatid.
Nakapasok na ang mga ito sa Palasyo at napatay nila ang hari. Nalaman ng ciudad ang pangyayari at tinanong nila kung gusto nilang dalawa na maging bagong hari.
Tinanggihan nila ito dahil gusto nilang magpatayo ng sariling ciudad. Isng araw naka punta sila sa lugar na kung saan ang Roma makikita ngayon. Ngunit nagkaalitan ang dalawa dahil sa selos at pinatay ni Romulus si Remus.

Matapos mong mapanood/mabasa ang mito, narito ang mga tanong na iyong sasagutan sa kwaderno.

1.May bahagi ba sa bidyo/sa binasang mito na nagpapakita ng interaksiyon ng Diyos at Tao? Kung meron magbigay ng isa.

2. Ano ang mahalagang aral ang napulot mo sa napanood/nabasa na mito?

3. Matapos mong panoorin/mabasa ang bidyo, ano ang nakumpirma mo tungkol sa mito/mitolohiya?


Mula sa : Romulus and Remus - The Story of the Founding of Rome - Roman Mythology -​