Kahit hirap na hirap dahil sa sunod-sunod na paghilab ng tiyan
ay tinungo ni Lian-chiao ang Hsiang Chi
Coffee Shop para
magpatulong
sa asawang nadatnan niyang abalang-abala sa
pagsusugal.
Kinagalitan ni Li Hua ang mga batang sumunod sa kanilang ina
at pagkatapos ay pinaandar ang inarkilang sasakyan para madala
sa ospital si Lian-chiao.
Habang abala at hindi magkandaugaga si Lian-chiao sa pagluluto
ay naghanap ng pampaligo ang kanyang asawa kaya't mabilis
niyang iniwan muna ang iniluluto at saka inihanda ang inigib na
tubig para pampaligo ni Li Hua.
Maya-maya'y dumating si Li Hua. Malakas ang boses habang
sinasabihan ang nagsasampay na si Ah Yue. Pagkatapos ay
mabilis na pumasok at nagalit dahil hindi pa luto ang hapunan
Habang inihahanda ang pampaligo ng asawa ay sumagitsit sa
kawali ang inasnang isda kaya minura at sinigawan ni Li Hua
si Lian-chiao dahil napakabagal daw nitong kumilos at hindi
naamoy ang nasusunog nang isda.
Naglalaba ang buntis na si Lian-chiao katabi ang bunsong anak
habang nagsasampay ang panganay niyang si Ah Yue kahit hindi
pa halos maabot ng bata ang sampayan.
Nang gabing iyon, kahit pagod ay hindi makatulog si Lian-chiao.
Naalala niya kung paano siyang ipinagkasundo ng kanyang
ina kay Li Hua sa edad na labinlima at ito ang naging simula
ng miserable niyang buhay. Maya-maya'y biglang sumakit ang
kanyang tiyan at naramdamang manganganak na siya.
Nang matapos kumain at paalis na muli ang lalaki ay nagmakaawa
si Lian-chiao na bigyan siya ng isang dolyar na pambili ng itlog
na gagamitin sa nalalapit niyang panganganak subalit hindi siya
binigyan ni Li Hua dahil natalo raw ito ng dalawampung dolyar
sa sugal.
Pagód na si Lian-chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil
na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos.
Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga
gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang
kasangkapan sa kusina dahil baka magalit ang asawa kapag
dumating ito mula sa pagsusugal nang wala pang hapunan