Gawain 4 Pagsasanay Panggramatika Paghambingin ang kultura ng mga Pilipino at kultura ng mga Romano gamit ang Venn diagram. Sundin ang mga sumusunod na pamantayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang paghahambing ay gagawin sa tulong ng Venn Diagram. 2. Tiyaking malinaw na maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng mga Pilipino at mga Romano na masasalamin sa kanilang mga akdang pampanitikan katulad ng mitolohiya. 3. Gumamit ng mga pokus ng pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, karanasan at pangyayari sa paghahambing. 4. Isulat ang iyong saloobin tungkol sa kultura ng dalawang bansa.