Mainam na naipapahayag ang sariling kaisipan, damdamin at emosyon. Ang isang mag-aaral na kagaya mo ay may kakayahan ding makapagsulat ng isang natatanging kuwento kagaya ng mga nababasa mo.
GAWAIN: Bumuo ng isang kwento mula sa nais mong paksa.
Mga Mungkahi Upang Madaling Makapagsulat ng Kwento
1. Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng iyong kwento.
2. Linangin at paunlarin ang Karakterisasyon
3. Sumulat ng Makabuluhang Usapan/Dayalogo
4. Pumili ng angkop na paningin o pananaw.
5. Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto.
6. Isaaayos ang banghay o mga pangyayari sa kwento.
7. Lumikha ng tunggalian at tensyon
8. Linangin ang Krisis o Kasukdulan
9. Humanap ng Kalutasan sa Suliranin