Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pangungusap ay wasto at Mali kung ito ay hindi angkop sa tinalakay. 1. Si Pilandok ay nahatulang ikulong ng isang masamang Sultan dahil sa kanyang kasalanan na paghihimagsik
2. Si Pilandok ay ipinatapon sa malayong lugar upang hindi na ito makabalik. 3. Nakaligtas si Pilandok sa bingit ng kamatayan at siya ay nakabalik sa kaharian ng Sultan.
4. Sinabi ni Pilandok sa Sultan na kaya siya nakaligtas sa kamatayan ay dahil sa iniligtas siya ng kanyang mga ninuno.
5. Mayroong magarang kaharian sa ilalim ng karagatan.
6. Ang Sultan ay naging interesado sa kayamanan kaya sinabi niya kay Pilandok na isama siya nito sa kaharian sa ilalalim ng dagat.
7. Ibinilin ng Sultan na habang wala siya ay si Pilandok muna ang magiging hari ng kanyang nasasakupan at mamahala rito habang siya ay wala.
8. Ikinulong sa hawlang bakal ang Sultan at itinapon ito sa karagatan.
9. Naisahan ni Pilandok ang Sultan dahil ang katotohanan ay wala namang kaharian sa ilalim ng karagatan.
10. Ang aral ng kwento ay huwag maging ganid sa kayamanan at kapangyarihan upang hindi ka malagaya sa bingit ng kamatayan o kapahamakan.