Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. Mga Pagpipilian: a - Nagsasaad ng posibilidad c – Hinihinging mangyari b - Nagsasaad ng pagnanasa d – Sapilitang mangyari
___1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula
___2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
___3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka ngayon.
___4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
___5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
___6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang ginagawa ng mga taga-Korea.
___7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng mabubuting asal. ___8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at Korea.
___9. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
___10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.