Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Gawain 6: Simbolismo ng Tula

Panuto: Basahin at suriin ang bawat piling saknong ng tula. Isulat ang simbolismo

na ginamit at ibigay ang kahulugan nito. Gawin sa sagutang papel

1. Isang panyong puti ang ikinakaway,

Siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:

Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,

Mamatay ako, siya’y nalulumbay

(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

2. Lubog na ang araw, kalat na ang dilim

At ang buwan nama’y ibig nang magningning;

Maka orasyon na noong aking datnin,

Ang pinagsadya kong malayang lupain:

Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,

Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

3. At ako’y lumakad, halos lakad takbo,

Sa may dakong ami’y meron pang musiko

Ang aming tahanan’y masayang totoo

At nagkakagulo ang maraming tao…

Salamat sa Diyos ang nabigkas ko,

Nalalaman nila na darating ako

(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

4. At ako’y tumuloy… pinto nang mabuksan,

Mata’y napapikit sa aking namasdan;

Apat na kandila ang nangagbabantay;

Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;

Mukha nakangiti at nang aking hagkan;

Para pang sinabi, "Irog ko, paalam!"

(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)