ipaliwanag:
Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/openness). Sa pakikipag-usap, maging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-asawa. Huwag hanapin ang sariling katangian sa kausap. Huwag sukatin ang kausap sa kaniyang kapintasan at kamangmangan. Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at karapatan. Halimbawa, nasira ng inyong katulong ang inyong computer dahil pinakialaman niya ito. Huwag magbitaw ng masasakit na salita. Bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag at kung mayroon siyang pinsalang nagawa, pag-usapan kung ano ang dapat gawin.