At sa huli, sa konteksto ng Hinduism at Buddhism, ang cakravartin ay tumutukoy sa hari ng sansinukob. Sinasabi na ang haring ito ay nagtataglay ng pangakong pamumuno na may katuwiran at pagkalinga sa mga mamamayan at sa kanilang relihiyon. Ang mga halimbawa nito ay sina: Haring Asoka na dating mandirigma na tumalikod sa karahasan at sumuporta sa Buddhism at ang hari ng Khmer na si Jayavarman II na nasa pagkalinga at pag-iingat ni Shiva, ang isa sa mga diyos sa Hinduism.