Taguan
ni Milagros A. Hipolito, Castillejos National High School
Kay sayang habulan sa dalampasigan, Tagu-taguan sa puting buhanginan,
Hindi ka matanaw, ikaw ay nasaan?
Magpakita ka mahal na kaibigan.
Ang lahat ay nagsimula sa biruan, Isang mala-bangungot na karanasan. Bakit ngayon naiwan kaming luhaan, Nalulunod sa gitna ng kahapisan.
Salamat sa iyong angking kabutihan,
Sa bawat ngiti at pusong ginintuan.
Hindi na kailanman masisilayan, Lalagi na lang sa puso at isipan.
May bakit na sadyang walang kasagutan, Pangungulilang hindi na matugunan, Kapayapaan sa bago mong himlayan,
Sa dako pa roon na iyong hantungan.
sukat, tugma, pahayag, kariktan