Pagtukoy
Panuto : Punan ang Patlang ng tamang kasagutan.
____________ 1. Sino ang maalamat na hari na sinasabing nagtatag ng Imperyong Minoan?
____________ 2. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado na sinasabing sentro ng pamayanan
ng mga Griyego?
____________ 3. Ano ang tawag sa pangunahing bahagi ng Polis na kadalasang matatagpuan
sa pinakamataas na bahagi nito?
____________ 4. Sino ang British Archeologist na nakadiskubre ng mga guho o ruins ng
magarang palasyo ng Knossos noong 1990?
____________ 5. Ano ang tawag sa tradisyon ng mga Minoans na kung saan ay binibigyan nila
ng pagpupugay ang alamat o kwento ng Minotaur?
____________ 6. Ano ang tawag sa pangkat ng tao sa Sparta na binubuo ng mga
mangangalakal at mga artisano na karaniwang naninirahan sa mga
kanayunan?
____________ 7. Ano ang tawag sa panahon ng pagsalakay at pananakop ng mga Dorian sa
Mycenae?
____________ 8. Ano ang tawag sa pangkat ng mga tao sa Sparta binubuo ng mga
magsasaka at aliping nabihag ng mga Spartan ng Salakayin nila Laconia at
Messenia?
____________ 9. Sino ang bulag na manunulat na sumulat ng Iliad at Odyssey?
____________ 10. Ito ang uri ng Relihiyon ng mga Minoans.
____________ 11. Siya kinikilalang Mensahero ng mga Panginoon sa Gresya.
____________ 12. Siya ang Diyos ng “Underworld” ng mga griyego.
____________ 13. Ano ang paksa ng kwentong Iliad ni Homer?
____________ 14. Ito ang tawag sa malaking banga (jar) ng mga Minoans at dito nakapinta at
nasasalamin ang kanilang karaniwang pamumuhay sa araw-araw.
____________ 15. Ito ang maalamat na nilalang na kinulong ni Haring Minos sa ilalim ng
kanyang palasyo. Ito ay kalahating tao at kalahating toro (bull).