Suriin ang mga pangungusap at piliin sa loob ng pangungusap ang mga ginamit na pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa akda sa tulong ng t-chart. 1. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. 2. Dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. 3. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay na si Bantugan. 4. Si Bantugan ay namatay dulot ng matinding gutom at kalungkutan. 5. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na si Haring Madali epekto ng matinding inggit. Sanhi Pang-ugnay 1 2 3 4 Bunga