14 GAWAIN 2
Ano ang iyong palagay?
Mula sa iyong nabasang sanaysay na Kay Estella Zeehandelaar, nais kong malaman ang iyong mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan. Nasasabik ako sapagkat sigurado ako na iba ang iyong kasagutan sa iba pang mag-aaral, sapagkat tayo ay may sarili at iba-ibang pananaw.
1. Katulad mo rin ba ang may-akda na nais ding makalaya sa lumang tradisyon o nakagawian? Ilahad at ipaliwanag.
2. Ano ang iyong naramdaman nang mabasa ang liham na ito kay Estella Zeehandelaar? Bakit ito ang namutawing damdamin sa iyo? 3. Naranasan mo na rin bang maikahon sa isang sitwasyon? Paano mo ito nalampasan?
4. Sang-ayon ka ba na ipagkasundo ang isang batang babae sa isang lalaki na hindi niya mahal at hindi pa nakikilala?