Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

TAKDANG-ARALIN
Isalaysay muli ang kuwento gamit ang iyong sariling salita. (15pts.)
Kuwentong, “Ang Tatlong Kuneho” pls help me brainliest i guess


ANG KWENTO:
Ang Tatlong Kuneho
-Gesille G. Grande

Sina Emry at Elwyn ay may alagang tatlong kuneho. Mapuputi ang balahibo ng kanilang
mga alaga. Pinangalanan nila itong sina Mandy, Jessie at King. Alagang-alaga nila ito. Rosas ang
kulay ng ng kanilang bahay-kulungan. May sarili silang lalagyan ng kanilang pagkain at inuming
tubig. Limang beses kung sila ay pakainin sa buong araw.
Sa umaga, pinalalabas nila sa kanilang bahay-kulungan ang mga kuneho. Hinahayaan
nila itong maglibot sa loob ng kanilang tahanan. Mahilig maglaro ang mga kuneho. Minsan ay
naghahabulan sila kasama sina Emry at Elwyn. Tuwang-tuwa ang dalawang bata kapag
tumatalon ng mataas ang kanilang mga alaga.
Isang maaraw na hapon, biglang sumigaw si Emry. “Mama, Mama, nakalabas ng bahay
si Mandy. Habulin po natin bago siya makalayo.” Patakbong lumabas ang kaniyang ina at
hinabol si Mandy. Ngunit sadyang mabilis tumakbo ang kuneho at hindi niya ito naabutan.
Laking pasasalamat nila nang maharang ito ng kanilang Yaya Maris. Kinarga ni Yaya Maris si
Mandy it ibinalik sa loob ng bahay.
Isinama minsan sa parke sina Mandy, Jessie at King. Gusto ni Elwyn na kargahin si King
ngunit hindi pumayag ang Papa nila. Pinagkaguluhan sa parke ang mga kuneho. Maraming bata
ang gustong humawak sa mga ito. Binuksan nila ang pintuan na nasa bahaging itaas ng kulungan
para makakilos ng maayos sa loob ang mga kuneho at mahawakan ito ng mga bata. Pagkatapos
sa parke, dumaan ang pamilya nina Emry at Elwyn sa restoran. Binilhan nila ng gulay na
kangkong ang kanilang mga alaga. Habang kumakain sila ng hapunan, sumasabay din ang mga
kuneho sa kanila. Natutuwang nanonood sa kanila ang ibang parokyano ng restoran. Pagkatapos
nilang kumain, napagpasyahan nilang umuwi na ng bahay para makapagpahinga silang lahat.