Gawain 2: Panuto:
1. Gumawa ng pananaliksik kung umiral o nilabag ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), o sa lipunan/bansa noong kasagsagan ng kwarentina (ECQ) dahil sa COVID 19 pandemya.
2. Makinig sa radyo, manoood sa telebisyon o mag-browse sa internet para rito.
3. Siguraduhing sinusunod ang mga patakaran sa Bagong Normal na ipinaiiral ng lokal na pamahalaan sa gagawing pananaliksik.
4. Humingi ng gabay at tulong sa magulang o guardian sa pagkalap ng mga impormasyon kung kinakailangan.
5. Pagkatapos, bumuo ng pagtataya o paghuhusga kung umiral o nilabag ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), o sa lipunan/ bansa noong kasagsagan ng kuwarentina (ECQ).