C. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto Basahing muli ang mga nakatalang taludtod. Sa iyong sariling pananaw o pagkaunawa ay isalaysay ang ibig ipahiwatig ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa kahon. 1. Dalubhasang mga kamay ang sa akin ay nagpala At sa hawlang parisukat iniluwal ng tadhana Lahat noon ay nagalak at marami ang namangha Naging laman ng balita at sumikat sa balana. 2. Kung sakaling sa gubat na luntian, ako'y isinilang at nagkamalay Ako kaya'y makaranas ng ganitong kapalaran? Akin kayang maabot ang ganitong kalagayan Ang mamuhay nang sagana at puro kasikatan?