Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang talata. Bigyan ito ng angkop na pamagat. Gawin ito sa inyong sagutang papel. 1. Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limangdaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may ilang nabubuhay sa tubig tabang Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na la- bindalawang nietro. Angkop na pamagat: 2. Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Gabi pa lamang ay inihanda na niya ang kanyang uniporme. Nakaayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo, mabilis na bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. "Julia, mukhang handa ka na para sa unang ar- aw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay. "Opol Sabik na po akong pumasok!" ang sagot ng bata. Angkop na pamagat: