Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Unang araw-Tuklasin 1. BASAHIN ang mga layunin ng aralin. Layunin ng Aralin Naipaliliwanag ang kahulugan ng kuwentong bayan. Naiisa-isa ang mga katangian ng Kuwentong bayan Naiuugnay ng kuwentong bayan sa kultura, tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino. 2. SAGUTAN ang motibasyon at gabay na tanong. Isulat sa kuwaderno ang sagot. Motibasyon Piliin sa mga larawan ang nagpapakita ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Pagkatapos ay ipaliliwanag ito. SIMBANG GABI 3. BASAHIN ang pokus na tanong Gabay na Tanong: a. Ano-anong mga kultura, tradisyon at paniniwala ang isinasabuhay pa rin hanggang sa kasalukuyan? b. May mga kultura ba o tradisyon sa mga larawan na masasalamin sa inyong lugar na kinalakihan? Ano- ano ang mga ito? c. Mayroon bang mabubuong kuwento sa kultura at tradisyong iyong kinalakihan? Ipaliwanag. Pokus na Tanong Paano nauugnay ang kuwentong bayan sa kalagayang panlipunan ng isang lugar? 4. ISULAT sa kuwaderno ang kahulugan ng kuwentong Bayan. | Kahulugan ng Kuwentong Bayan Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na ng panitikan ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto, o kaya'y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy atbp. Masasalamin sa kuwentong bayan ang mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ito nasulat.​

Unang ArawTuklasin 1 BASAHIN Ang Mga Layunin Ng Aralin Layunin Ng Aralin Naipaliliwanag Ang Kahulugan Ng Kuwentong Bayan Naiisaisa Ang Mga Katangian Ng Kuwenton class=