halagahan. (bagay Salawikain ay matalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang asal.. Halimbawa: 1.Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon. 2.Kung hindi ukol, hindi bubukol. Sawikain ay salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga at mayroong nakatagong kahulugan; tinatawag din itong idyoma o eupemistikong pahayag. Halimbawa: 1. Malawak ang isip -maraming nalalaman 2. Mapurol ang utak -mahina ang pag-intindi Bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas nang patula at nagpapatalas sa isip ng ating mga ninuno noon. Ito ay nangangailangan ng tiyak na kasagutan. Halimbawa: 1. Limang puno ng niyog, isa'y matayog. Sagot: daliri