BUOD:Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Pelaez sa balikat. Si Pelaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.