Sagot :

Answer:

1. PAGBABAGONG PAMPOLITIKA SA ILALIM NG KOLONYALISMONG ESPANYOL

2. PAMAHALAANG SENTRAL

3. Nagbago ang pamamahala sa PIlipinas nang dumating ang mga Espanyol. Sinakop nila ang Pilipinas sa loob ng mahigit sa tatlong dantaon, mula 1565 hanggang 1898.

4. Sa panahong ito, umiral ang pamahalaang kolonyal dahil ang Pilipinas ay naging isang kolonya o bansang sakop ng Espanya

5. Nang masakop ng mga Espanyol ang malaking bahagi ng Pilipinas, nagtatag sila ng pamahalaang sentral upang mapadali ang pamamahala sa buong bansa..

6. Ang pamahalaang sentral ang namamahala sa buong kapuluan maliban sa ilang lugar sa Mindanao at sa rehiyong Cordillera ng Luzon.

7. Sa patakarang kolonyal, ang mga lupaing nasakop ay kinamkam at itinuring nap ag-aari ng bansang mananakop. Lahat ng mga kayamanan ay inangkin at hinakot nang sapilitan. Gumamit sila ng dahas upang masupil ang sinumang tumanggi a kanilang patakaran.

8. Nahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas: ang tagapagpaganap o ehekutibo at ang panghukuman o hudisyal.

9. Walang lehislatibo o tagapagbatas noon. Ang mga batas ay nanggagaling sa Espanya at ang mga batas na ginawa sa Pilipinas ay ang mga kautusan ng gobernador-heneral.

nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn

View image Edrealanne08