IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Pagmamahal ng isang ina
Talaga nga yatang ang isang Ina ay wala ng kapantay
Sa pag-aalala at pag-aalaga sa kanyang inakay,
Wari ay inahin kung siya’y kumipkip at magpahingalay
Kung kandungin sila’y parang mga ibong doon mahihimlay.
Ngunit bakit merong mga anak tayong tila alibugha
Wari’y nalilimot kung paano’t saan siya ay nagmula,
Kung minsan pa nga ay kanyang pinagmulan laging dinudusta
Ay napakasakit kung iyong anak ay ganito kasama.
Pag nagkakamali itong mga anak ating tinutuwid
Ang kasinungalingan para sa kanila madaling maglubid,
Ngunit kapag sila’y nakakaranas ng matinding hagupit
Bakit nadarama’y parang tinarakan itong ating diddib.
Bakit ba ganito ang naging damdamin ng isang magulang?
Sa simula pa nang siya ay mabuo at siya’y isilang,
Nadarama’y takot pag-aala-ala, pag-aagam-agam
Itong mga anak ay baka madurog at grabeng masaktan.
— Hi, if my answer helped you please consider marking me as bra1nliest! It would help me reach my dream rank, which is 'ace'. Thank you! <3
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.