IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano ang kaibahan ng mga relihiyong hinduismo sa relihiyong buddismo?

Sagot :

Answer:

HINDUISMO

Ang Hinduismo (Hinduism) ay isa sa pinakamatandang organisadong relihiyon sa mundo. Ang mga kasulatan ng Hinduismo ay nasulat mula pa noong 1400 - 1500 B.C. Ito rin ang isa sa mga kakaiba at pnakakumplikado dahil sa mayroon itong milyon milyung diyos. Ang mga Hindu ay may napakaraming katuruan na makikita sa iba't ibang sekta nito. Bagama't ito ang ikatlo sa pinakamalaking relihiyon sa mundo, matatagpuan sa mga bansang India at Nepal ang kalakhang porsiyento ng mga Hindus.

Ang pangunahing kasulatan ng Hinduismo ay ang Vedas (itinuturing na pinakamahalaga), Upanishadas, ang Mahabharata at ang Ramayana. Ang mga kasulatang ito ay naglalaman ng mga imno, pilosopiya, ritwal, mga tula, sutra at ng Aranyakas.

BUDISMO

Ang Budismo (Buddhism) ay isa sa mga nangungunang relihiyon ngayon sa daigdig pagdating sa dami ng taga-sunod, pamamahagi sa heograpiya, at impluwensiya sa lipunan at kultura. Habang ito ay isang malaking relihiyon sa silangan, ito ay nagiging kilala at maimpluwensya rin sa mundong kanluranin. Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong karapatan, bagaman marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-epekto), Maya (ang ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-tao). Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sa buhay ay ang makamit ang tinatawag nilang "enlightenment" o Nirvana.

Ang tagapagtatag ng Budismo na si Siddhartha Guatama, ay ipinanganak na isang dugong-bughaw sa India noong 600 B.C. Siya ay nabuhay sa maluhong pamumuhay na hindi masyadong nalalantad sa mundo. Sadya siyang iniwas ng kanyang mga magulang sa impluwensya ng relihiyon at inilayo mula sa sakit at pagdurusa. Gayunman, hindi ito nagtagal hanggang ang kanyang tahanan ay napasok, at siya ay nagkaroon ng pangitain ng isang matandang tao, may karamdamang tao at nabubulok na bangkay. Ang kanyang ikaapat na pangitain ay isang mapayapang asetikong monghe (tinanggihan ang luho at kaginhawahan). Nang makita niya ang kapayapaan sa monghe, napagpasyahan niya na maging isa ring asetiko. Iniwan niya ang kayamanan at kasaganaan at ipinagpalit sa payak na pamumuhay. Sinanay niya ang sarili sa matinding pagninilay at pagdidisiplina. Siya ang namuno sa kanyang pangkat. Kalaunan, ang lahat ng kanyang pagsusumikap ay nagwakas. Siya'y nagpakasawa sa isang tasang kanin at umupo sa ilalim ng puno ng igos (tinatawag din na puno ng Bodhi) upang magnilay hanggang maabot ang "enlightenment" o mamatay sa pagsubok na maabot ito. Sa kabila ng mga paghihirap at tukso, kinaumagahan, kanyang naabot ang "enlightenment". Kaya siya ay nakilala sa tawag na 'the enlightened one' o 'Buddha'. Kinapitan niya ang kanyang mga natuklasan at nagsimulang ituro sa mga kapwa niya monghe, na mayroon siyang malaking impluwensiya. Lima sa kanyang mga kasamahan ang naging una niyang mga alagad.

Answer:

Naiiba sila sa pagtanggi ng Budismo sa mga pari ng Hinduismo, sa mga pormal na ritwal, at sa sistema ng caste. Hinikayat ni Buddha ang mga tao

Explanation:

Hope it helps:D pa brainliest na rin