IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ANG KAKAIBANG MUNDO

Nakasisilaw na liwanag ang hindi inaasahang bumulaga sa akin. Tumambad sa harap ko ang isang lugar na di ko pa nararating. Hindi mabilang ang malalaki at maliliit na mga robot na kumikilos tulad ng mga tao. May makukulay na mga sasakyang panghimpapawid na animo saranggolang nakasabit sa langit. Marami ang mga sasakyang hindi ko malaman kung kotse o dyip. Iginala ko pa ang aking paningin. Malinis ang paligid, abala ang mga Matiwasay at masayang namumuhay ang komunidad. Napadako ako sa malawak na hardin. May kakaibang hugis at laki ang mga gulay at prutas. Makikita rin ang iba't ibang uri ng hayop, matataba at malulusog, malalaki at maliit. Tunay na kakaiba ang mundong ito! wahhh, naman kaya ang makikita sa gawi roon?" "Anak, gising na! Bangon na!," marahang tapik ni Ina.

Mga Tanong:
1. Alin ang HINDI nasasaad sa kuwento? a. May kakaibang halaman sa hardin.
b. Maraming saranggola ang lumilipad sa langit.
c. Iba't iba ang laki ng mga robot sa lugar na iyon.

2. Tumambad sa harap ko ang isang lugar na di ko pa nararating. Ang ibig sabihin ng tumambad ay
a. dumaan
b. lumantad
c. nang-aakit

3. Sa iyong palagay, paano napunta sa kakaibang mundo ang nagkukuwento? a. Nag-iisip siya ng ganitong mundo. b. Dulot ito ng kanyang imahinasyon. c. Nakatulog siya ng mahimbing at nanaginip.

4. Ano kaya ang nararamdaman ng naglalahad ng kuwento?
a. Nalilito siya.
b. Nagtataka siya.
c. Natataranta siya.

5. Ano ang layunin ng sumulat ng kuwento?
a. Hangad nitong mang-aliw.
b. Hatid nito ang isang balita.
c. Taglay nito ang bagong kaalaman.

6. Ano ang ginamit ng sumulat ng kuwento para ihatid ang mensahe nito?
a. Gumamit ito ng makukulay na mga salita sa paglalarawan.
b. Kaakit-akit na mga lugar ang dinayo ng tauhan sa kuwento.
c. Maganda ang palitan ng pag-uusap ng mga tauhan sa kuwento.​

Sagot :

1. b. maraming saranggola ang lumililad sa langit

2. b. lumantad

3. c. nakatulog siya ng mahimbing at nanaginip

4. b. nagtataka siya

5. a. hatid nitong mang-aliw

6. a. Gumamit ito ng makukulay na mga salita sa paglalarawan.

sana makatulong!