Filipino
1. Alin ang wastong kahulugan ng PANGNGALAN al PANGHALIP?
A. Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao lamang at ang Panghalip ay pamalit sa ngalan ng tao.
B. Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pagkain, pangyayari at iba pa samantalang ang Panghalip ay panghali sa Pangngalan.
C. Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao at bagay samantalang ang Panghalip ay panghalill sa Pangngalan. D. Ang Pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar, samantalang ang Panghalip ay panghalili sa Pangngalan.
2. Si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa mga kinikilalang pambansang bayani sa bansa. Siya ay ipinanganak noong ika- 19 ng Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Ang kaniyang mga magulang ay sina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso Realonda y Quintos.
Tukuyin ang angkop na PANGNGALAN at PANGHALIP sa talata na ito.
A. Calamba Laguna - lugar
B. Teodora at Francisco Rizal -- kaniya
C. Dr. Jose P. Rizal - siya
D. dr. jose p. rizal - Bayani
3. Naging masaya ang online class namin kahapon. Nasagutan namin nang tama ang mga gawain sa modules gamit ang aming cellphone at computer. Pinagbasa rin kami ng aming guro ng isang journal para sa aming aralin. Habang nag-aaral, pinaghanda ako ni Mama ng malamig na juice at sandwich. Ano-ano ang salitang hiram na mababasa sa akda?
A. online class, modules, cellphone at computer, journal
B. onlayn klas, modyul, celpon at kompyuter.
C. online class, modules
D. online class, modules, cellphone, computer, journal, juice, sandwich
4. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagpapakahulugan sa pangkalahatang sanggunian? Ang pangkalahatang sanggunian ay mga ________
A. babasahin na nakatutulong upang malaman ang mga bagay na nais nating malaman o matuklasan.
B. binabasang mga aklat.
C. pinagkukunan ng impormasyon na makatutulong upang malaman ang mga mahahalagang detalye tungkol sa mga paksa para sa pagsasaliksik.
D. kaalaman na mapagkukunan para sa isang paksang nais malaman.
5. Alin ang may wastong paghahambing sa ENCYCLOPEDIA at DIKSYONARYO?
A. Ang encyclopedia ay naglalaman ng pangunahing impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa samantalang ang diksyonaryo ay naglalaman ng kahulugan.
B. Ang encyclopedia at diksyonaryo ay mga uri ng pangkalahatang sanggunian. C. Pareho ang nilalaman ng encyclopedia at diksyonaryo.
D. Ang encyclopedia ay naglalaman ng pangunahing impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa samantalang ang diksyonaryo ay naglalaman ng mga salita, kahulugan at uri ng pananalita,
6. Alin sa sumusunod ang katangian ng pang-abay na pamaraan?
A. Nagsasabi kung sino ang gumawa ng kilos
B. Nagpapakita ng ginawang kilos
C. Nagpapaliwanag ng kilos
D. Sumasagot sa tanong na "Paano ginawa ang kilos?"
7. Tumutukoy sa lugar kung saan ginawa ang kilos. Ito ay ________
A. pang-abay na sumasagot sa tanong na "Saan?"
C. pang-abay na pamanahon
B. pang-abay na panlunan
D. pang-abay
8. Tuwing umaga nag pupunta sa ________ ang aking nanay upang mamili ng ilulutong ulam para sa karinderya.
Ano ang angkop na pang abay na panlunan sa pangungusap?
A. palengke
B. Tindahan
C. Grocery
D. Mall
9. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagsaad ng pang abay na pamaraan?
A. Talagang matulungin si John
B. Kaninang umaga tinulungan ni John ang ale sa pagtawid.
C. Maingat na tinulungan ni John ang ale.
D. Matulungin si John.
10. ang pamilya Santos na namamasyal . Ang mga salitang may salungguhit ay _______
A. Pang uri at pang abay
B. Pang uri at pang abay na pamaraan
C. Pang uri at pang abay na panlunan
D. Pang uring pamilang at pang abay na pamanahon.