Ang nobelang isinulat ni Victor Hugo na “Ang
Kuba ng Notre Dame.” ay isa sa mga halimbawa ng nobelang akda mula sa
France(isang panitikang Mediterranean). Ang pamagat ay tumutukoy sa Katedral ng Notre Dame sa Paris, kung saan ang kwento ay nakasentro. Ito ay isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang nobelang
ito ay naiiba ang nobela mula sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa
pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa. Makikita mo bilang isang
mambabasa ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan mula sa akdang
ito. Ito ay tungkol sa isang kubang nagngangalang Quasimodo – ang kuba ng Notre
Dame na itinanghal bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na
kapangitan.