Ang totoo, hindi lang dahil sa paggamit ng metal kung bakit
umunlad ang pamumuhay ng tao, pero may malaking papel itong ginampanan sa
pamumuhay kung kaya ay masasabing naging mabilis ang pag-unlad. At nasa katangian ng metal ang dahilan kung
bakit.
Ang metal ay napakadaling hanapin, mura at madaling
gamitin. Ito ay isang yamang lupa na
minimina. Halos lahat ng lugar ay
mayroong mamiminang metal sapagkat ang
isang mahalagang komposisyon ng lupa ay ang metal.
Bukod dito, pwede itong gamitin muli at muli, bagay na
hindi mo magagawa sa kahoy. Nire-recycle
lang ang mga metal at pwedeng pakinabangan muli.
Idagdag pa rito ang buhay niya: nagtatagal ito at napananatili ang tibay sa
loob ng maraming taon.
At higit sa lahat, napakamura ng metal kung ihahambing sa
presyo ng kahoy. Kaya kapag metal ang
ginamit ng tao, nakatipid na siya ng malaki, at nagtatagal pa ang buhay nito sa
loob ng maraming panahon, kaya ang pag-unlad ay mabilis at nananatili sa
maraming panahon.