Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin mula sa loob ng kahon ang tamang
salita na tinutukoy sa bawat pahayag at isulat ito sa patlang bago ang bilang
Intellectual Piracy
Plagiarism
Whistle Blowing
Katotohanan
Pernicoius lies
theft
Social Media
Jocose lies
piracy
Officious lies
1. Nagaganap kapag ito ay sumusira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa
interes o kapakanan ng iba.
2. Sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang
magbigay aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling
3. Nagpapahayag upang ipagtaggol ang kanyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang
usaping kahiya-hiya upang dito maibaling.
4. Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay
5. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang
pagsisinungaling, at iba pang imoral o ilegal na gawain na nagaganap sa loob ng
isang samahan o organisasyon.
6. Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga networks.
7. Ito ay paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) o paggamit nang walang
pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang tao.
8. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng katotohanan at
katapatan sa mga datos, mga ideya, buod at balangkas ng isang akda, programa,
himig, at iba pa.
9. Ito ay isang uri ng pagnanakaw o paglabag dahil may intensiyon para sa pinansiyal
na dahilan
10. Ito ay hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan
kundi lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang
nakapaloob dito