Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ang paksa ng dalawang patong na hollow blocks

Sagot :

Ano ang paksa ng Dalawang Patong na Hollow Block Ni Gerwin L. Cortez

Dalawang Patong na Hollow Blocks

Ni Gerwin L. Cortez

Kaparehong araw rin kagaya nito. Medyo umuulan-ulan lang noon. May badya ang langit na masungit. Naghalo na sila ng semento. Inihanda ko ang aking mga kagamitan para magdiwang ng aming Christmas Party sa bahay ng isa sa mga matalik kong kaibigan. Naipatong na ang unang hollow block. Masaya. Di magkasya ang kasayahan sa ikatlong palapag. Tawanan. Mga repleksyon sa buhay. Mga plano. Mensahe ng pasasalamat. Kaunting iyakan. PUNO NG PAGMAMAHALAN. Naipatong na ang ikalawang hollow block. "Umuwi ka na. Pupunta kaming pagamutan." Hindi ko alintana ang lahat. May kaunting pagmamadali para umuwi. Nakita ko ang malungkot na mukha ni Sta. Rosa sa daan."O, bakit ngayon ka lang? Anong oras kang dumating?" malamig na malamig na tinig. Malamig na malamig ding katawan. Tagaktak ang pawis sa lamig. Natibag ang dalawang patong na hollow blocks. Bisperas iyon ng Pasko. Tila may reunion. Kasama namin lahat ng kmag-anak na nagmula sa karatig at malalayong lugar.