IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ano ang payak,tambalan at hugnayan??

Sagot :

PAYAK, TAMBALAN, AT HUGNAYAN NA PANGUNGUSAP

PAYAK NA PANGUNGUSAP

  • Ang isang payak na pangungusap ay isang pangungusap na nakapag-iisa.
  • Ang payak na pangungusap ay isang sugnay na malaya na may simuno at panaguri ngunit ang diwa na inilahahad ay iisa pa rin.
  • Halimbawa: Nagpunta ang mga mag-aaral sa silid-aralan.

TAMBALANG PANGUGUSAP

Sa isang tambalang pangungusap, ang ideyang inilalahad ay dalawa o higit pang ideya. Ang mga pangatnig na at, ngunit at o ang siyang ginagamit bilang pang-ugnay sa dalawang payak na pangungusap.

  • at – Kapag ang mga ideya ng dalawang malayang sugnay ay magkasimpantay o sing-halaga ay ginagamit ang at.
  • ngunit – At kapag naman ay magkasalungat o di-paris ang ideya, ngunit ang siyang ginagamit.
  • o – ginagamit Samantal kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang nakalahad sa pangungusap, ang o ang ginagamit. Halimbawa: Sasayaw k aba o await ng “Lubi-Lubi?”

HUGNAYANG PANGUNGUSAP

  • Ang hugnayang pangungusap ay maituturing na komplikadong pangungusap sapagkat binubuo ito ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-nakapag-iisa.
  • Ang mga pangatnig na kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa, sapagkat ang siyang ginagamit na pang-ugnay sa hugnayang pangungusap.
  • Halimbawa: Magbabakasyon ako sa Baguio kung sasama ka. Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.

Karagdagang impormasyon:

Payak na panungusap

https://brainly.ph/question/58071

Halimbawa ng Tambalan na pangungusap

https://brainly.ph/question/134535

Halimbawa ng hugnayan na pangungusap

https://brainly.ph/question/158572

#LetsStudy