Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano ang tayutay at mga uri nito?

Sagot :

Ang tayutay ay nagbibigay-diin sa isang kaisipan o damdamin.

Ang mga uri nito ay:

Simili o Pagtutulad
Metapora o Pagwawangis
Personipikasyon o Pagtatao
Apostrope o Pagtawag
Aliterasyon
Anapora
Anadiplosis
Epipora
Empanodos
Katapora
Pagmamalabis
Pahihimig o Onomatopeya

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.Mga uri ng tayutaySimili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.Pag-uulitAliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.