Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Panuto: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Pilin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang
ate
2
1. Sa mapanagutang paggamit ng kalayaan, lahat ng naisin mong gawin ay maaring mangyari. Ang
pangungusap ay:
A. Mali, sapagkat nalilimitahan ng Likas na Batas Moral ang kalayaan
B. Mali, sapagkat nakasalalay sa iyo ang kahihinatnan ng iyong pagpili.
C. Tama, sapagkat ito ang layunin ng kalayaan kaya lahat ay magagawa
D. Tama, sapagkat ito ay regalong ipinagkaloob sa iyo upang gamitin mo.
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mapanagutang paggamit ng kalayaan ayon kay
Esteban?
A. Pagsasaalang-alang ng kabutihang pansarili at panlahat.
B. Pagkilos na hindi sumasalungat sa Likas na Batas-Moral.
C. Pagkilos nang walang pumipigil sa mga bagay na gusto mo.
D. Kahandaang harapin ang anomang kahihinatnan ng pasya.
Para sa 3-4
A. Panloob na kalayaan
C. Panlabas na kalayaan
B. Pansariling kalayaan
D. Panlipunang kalayaan
3. Hindi magawa ni Mark na lumabas ng bahay sapagkat ayon sa ipinatutupad na ordinansa ng barangay
ay huhulihin at ikukulong ang mahuhuling 21 taong gulang pababa. Anong uri ng kalayaan ang ipinakikita
rito?
4. Mas pinipili ni Gina na tulungan ang mga nakababatang kapatid sa paggawa ng gawaing pampaaralan
kaysa maglaro ng mga online games. Anong uri ng kalayaan ang ipinakikita rito?
5. Bago gumawa ng pasya si Eric ay nananalangin muna siya upang gabayan ng Poong Maykapal. Anong
hakbang sa pagpapaunlad ng kalayaan ang ginagawa ni Eric?
A. Pakikinig sa sinasabi ng konsiyensiya.
B. Pagsasabuhay ng moral na panuntunan.
C. Paghingi ng gabay sa Diyos sa panalangin.
D. Pag-iisip sa sitwasyon bago magbitiw ng pasya.